1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Bakit PAYAT Pero Malakas Kumain? Bakit MATABA pero mahina kumain?

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Feb 26, 2016.

  1. Bakit PAYAT Pero Malakas Kumain?
    Bakit MATABA pero mahina kumain?




    Tanong: Bakit may mga taong payat pero malakas nang kumain? Bakit din may taong mataba pero konti lang kumain?

    Sagot:
    1. Isang factor sa pagiging payat o mataba ay ang iyong metabolism o yung galaw ng katawan. Kapag bata ka pa (edad 30 pababa) mabilis pa ang iyong metabolism at hindi ka gaano tataba. Pero pag lampas edad 40, mabilis nang tumaba at lumaki ang bilbil.
    2. Ang regular na ehersisyo ay nagpapapayat din. Kapag hindi ka nag-papawis sa exercise at lagi lang nakaupo, ay mas mabilis kang tumaba. Dapat ay magalaw tayo sa buong araw. Umakyat ng hagdanan. Mag-lakad-lakad sa trabaho para makabawas sa timbang.
    3. Bawasan ang pag-inom ng soft drinks, juice at iced tea. Nakatataba po ito. Ang isang soft drinks o iced tea ay katumbas na ng kalahating platong kanin. Dahan-dahan din sa pagkain ng prutas tulad ng mangga at ubas dahil matamis ito at nakatataba din. Mansanas at saging ang piliin.
    4. May epekto din ang lahi (o genetics) sa ating timbang. Namamana din natin mula sa ating magulang ang hugis ng ating katawan at mukha. Kapag mabilog ang mukha o malaki ang braso at binti ng magulang, ay puwede din mamana ito ng mga anak.
    5. Huli sa lahat, may mga sakit na nakaka-apekto sa ating timbang. Halimbawa, ang mga taong hyperthyroid ay mas pumapayat. Ang mga taong naoperahan sa gallbladder ay mas tumaba. Kapag stressed ka, puwede kang tumaba (dahil kain ng kain) o pumayat (walang ganang kumain). Depende iyan sa pagdadala ng tao.
    Tandaan: Ang lahi, ehersisyo, pagkain at sakit ay ilan sa mga factors na puwedeng maka-apekto sa iyong timbang. Good luck po.
     
  2. thanks po dito.,, pero paano po tataba ung mapayat na malakas kumain??.,,
     
  3. yung po ang diko alam
     
    klanshin likes this.
  4. juggernaut14

    juggernaut14 Addict Established

  5. yeah true..ako kaen ng kaen oras oras di tumataba :hilarious::hilarious:
     
  6. derx

    derx El Vampiro Staff Member Moderator

    Magpurga ka, baka may mga alaga ka sa tiyan. Or magtake ka ng mga vitamins or gamot na pampataba.
     
    klanshin likes this.
  7. chin0 magtake ka kaya ng pampabaet???its good for you promise
     
    Last edited by a moderator: Feb 26, 2016
  8. wala rin boss ehh.,, na try ko na lahat yan ehh.,,wala pa :cry:rin
     
  9. derx

    derx El Vampiro Staff Member Moderator

    Hindi mo lang hiyang yung ginamit mo noong una. Try mo ang ibang brand. (y)
     
    queencee and klanshin like this.
  10. queencee

    queencee Forum Expert Established

    Stress eating is one factor...true
     
    derx likes this.
  11. derx

    derx El Vampiro Staff Member Moderator

    Tama si madam queen! (y)
     
    queencee likes this.
Tags / Keywords: