1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Baking Soda: Mura At Mabisa Pa!

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Jan 25, 2016.

  1. Baking Soda: Mura At Mabisa Pa!



    Ang ordinaryong baking soda na mabibili sa mga supermarkets ay mabisang solusyon para sa ating problema sa balat, buhok at katawan.

    Ang baking soda ay tinatawag na sodium bicarbonate. Isa itong alkaline substance na kumokontra sa mga acidic na kemikal. Heto ang iilan lamang sa gamit nito:

    1. Bilang toothpaste. Kung wala kayong pambili ng toothpaste, gumamit na lang ng baking soda bilang toothpaste. Medyo maalat lang po. Puwede mo ring lagyan ng konting baking soda ang iyong toothpaste. Dahil maganit ang texture ng baking soda, natatanggal nito ang dumi at napapaputi ang ngipin.

    2. Bilang mouthwash. Para maging mabango ang iyong hininga, maghalo ng 1 kutsaritang baking soda sa kalahating baso ng tubig. Imumog ito sa bibig na parang mouthwash.

    3. Panlinis ng mga pustiso, retainers at mouth guards. Epektibong panlinis ng pustiso ang baking soda. Subukan ito.

    4. Gamot sa bungang araw at kagat ng insekto. Ayon sa tanyag na Mayo Clinic, mabisa ang baking soda para sa mga kati-kati sa balat. Gumawa ng isang baking soda “cream” sa pamamagitan ng paghalo ng 3 kutsaritang baking soda at 1 kutsaritang tubig. Ilagay itong cream sa apektadong balat. Habang natutuyo ang cream, hinihigup nito ang “kamandag” ng insekto at mababawasan ang kati.

    5. Para sa sunburn. Mabisa ang baking soda sa pag-alis ng kirot ng sunburn. Maghalo ng 2 kutsarang baking soda at 2 basong tubig. Ilubog ang tuwalya dito at itapal sa iyong sunburn. Puwede ka ring maglublub sa isang bathtub ng baking soda. Maghalo ng isang tasang baking soda sa mainit na tubig sa bathtub. Magbabad ng 20-30 minutos.

    6. Para sa buhok. Para manumbalik ang kintab ng iyong buhok, maglagay ng 1 kutsaritang baking soda sa 1 sachet ng shampoo. Ihalo ito at gamitin na parang regular na shampoo. Banlawan ang buhok maigi.
    Isa pang tip: Kung ika’y nagmamadali at hindi pa nag-shampoo, maglagay ng konting baking soda sa iyong buhok at suklayin ito. Puwede mong gamitan ng hair dryer para may “body” ang iyong buhok.

    7. Panlinis ng mukha. Kung gusto mo ng panlinis ng mukha (parang facial), maglagay ng baking soda sa tubig sa palanggana. Maghilamos dito para matanggal ang dead skin cells. Kikinis ang iyong mukha.

    May isa pang natural na facial. Maghalo ng 2 kutsaritang oatmeal (piliin ang pino), 1 kutsaritang baking soda, 1 kutsaritang honey, at konting tubig para makagawa ng isang madikit na solusyon (parang paste). Itapal ito sa mukha at hayaan ng 15 minutos. Maghilamos at tingnan ang iyong mukha sa salamin. Wow, gumanda ka na. Mabibili ang baking soda sa supermarket.
     
  2. mito1992

    mito1992 Addict Established

    Thanks for sharing..wala po bang bad side effect kapag ginamit sa buhok o sa pangfacial? :)
     
  3. wala po bossing
     
    mito1992 likes this.
  4. welcome po bossing
     
  5. reygun1977

    reygun1977 Journeyman Established

    Maam meron ka po ba BRAND na trusted,ung walang halong ibang CHEMICAL
     
  6. reygun1977

    reygun1977 Journeyman Established

  7. welcome..pwede din po yung iabang brand basta without aluminum
     
  8. mamat26

    mamat26 Enthusiast Established

    nkakagamot po ba to sa mga tao na may hyper acidity? paano po? thanks
     
  9. anokamo

    anokamo Eternal Poster Established

    gamot rin daw yan sa ulcer.:)
     
  10. welcome mga bossing
     
  11. Capschu08

    Capschu08 Journeyman Established

    Salamat po. Pwede kaya ihalo sa toothpaste?
     
  12. welcome po bossing
     
  13. queencee

    queencee Forum Expert Established

    This is very nice...
     
  14. mackomacmo

    mackomacmo Addict Established

Tags / Keywords: