1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

AWAY-BATI (Relationship)

Discussion in 'Love' started by Jeanh, Sep 2, 2015.

  1. Please or Register to view links


    Maraming bagay ang nakakapagod sa buhay pero wala na yatang mas nakakapagod kesa relasyong away-bati. Konting bagay lang, away agad. Pagkatapos magbati, maya-maya, sabong na naman.

    Tipikal ang away-bati lalo na sa mga relasyong nagsisimula pa lang. Dahil hindi pa ganap na kilala ang isa’t isa, dahil hindi pa malalim ang puhunan ng respeto, pagtanggap at pagtitiwala at dahil may mga personal pang bitbit na bagaheng hindi pa magkasamang pinapasan, maliit na bagay lang, agad pinapalaki kaya kahit kani-kanina lang ay naglalambingan, ang sunod na tagpo—alsa-balutan!

    Ayon kay Dr. John Gotmann, ginagalang at kinikilalang relationship expert dahil sa mahabang panahong ginugol niya bilang counselor, researcher, author at speaker sa usapin ng relasyon, merong apat na sintomas na dapat bantayan ang mag-asawa, magkasintahan o magkapartner.

    Mahalagang iwasan ang apat na ito kung gusto mong isalba, alagaan at patatagin ang relasyon. Kapag hinayaan at di hinarap, ang apat na ito ang magsisilbing hudyat na ang relasyong away-bati, guguho at magwawakas sa malao’t madali.

    1. CRITICISM. Paninisi, pamimintas at panunumbat. Ito ang pinakamabilis na nagpapalaglablab ng di-pagkakaunawaan. Katulad ito ng gasolinang direkta mong isinaboy sa apoy kaya ang ang alitan, sumasambulat at nagiging isang malaking digmaan.

    Kapag hinahanapan mo kasi ng mali ang ka-relasyon mo, malinaw na inaatake mo siya kaya asahan mong aatakihin ka rin niya. Tandaan mo, ang pamumuna na nanggagaling sa pagmamahal at malasakit, mapagkalinga at nagbibigay-buhay pero ang paninisi, pamimintas at panunumbat na galing sa inis, tampo o kinimkim na yamot, laging masakit at mapamuksa. Parang sinasalya mo sa pader ang kausap mo at wala siyang ibang mapuntahan kundi bweltahan ka rin.

    2. CONTEMPT. Pagwawalambahala, pananabang at kawalan ng respeto. Dahil masyado ka nang pamilyar sa taong dati mong pinahahalagahan, sanay ka nang binabalewala o nilalampas-lampasan siya. Dahil lantad sa ‘yo ang iba’t iba niyang kahinaan at kapintasan, normal lang sa ‘yo ang pagtawanan o lait-laitin siya. Tila nasaid na ang amor mo para sa kanya kaya bukod sa hindi mo na siya inanasikaso o nilalambing, hindi mo na rin pinahahalagahan ang kanyang damdamin at pangangailangan.

    Ang ganitong pagwawalambahala at kawalan ng respeto ay litaw na litaw sa mga eksenang ito:

    --nanonood ng TV ang partner mo tapos basta mo na lang nilipat ang channel nang walang pasintabi
    --panay ang bagsak mo ng gamit o balabag ng pinto; wala kang paki kung magising ang kasama mong namamahinga
    --late ka palagi sa usapan at pinaghihintay mo siya
    --nalilimutan mo lagi ang mga pangako mo at mga bilin niya
    --excited syang magwento kaso madalas di ka naman nakikinig
    --pasinghal ka tuwina pag meron kang sasabihin o iuutos sa kanya
    --pinagtatawanan mo ang kapalpakan niya at kinukutya ang hitsura niya

    Ang malungkot nito, kahit alam mong ikaw ang nagkulang o nagmalabis, standard reaction mo ay balewalain ito kaya di ka rin sanay mag-sorry.

    3. DEFENSIVENESS. Pangangatwiran, paghuhugas-kamay at pagbabalik-sisi. Ito ang pagtangging managot sa sariling pagkakamali o pagkukulang. Defensive ka kasi hindi mo matanggap na nagkamali ka. At dahil ayaw mong amining me mali ka, lalong lumalala ang sitwasyon at lalong natitibag ang relasyon.

    Sa bokabularyo mo, ang pag-angkin sa pagkakamali ay pag-amin ng pagkatalo. At dahil ayaw mong masisi o mapintasan, mas pinili mong pataasin, pakapalin at patigasin ang pader ng iyong depensa. Hindi mo nakitang tuwing nakadepensa ka, lalo mong pinahihirap sa karelasyon mo na unawain ka, tanggapin at patawarin. Sa huli, kakapaguran niya ang pag-iwas mong managot sa ‘yong pagkakamali at di malayong bumitaw na siya sa ‘yo.

    4. STONEWALLING. Paglayo, pananahimik at pagtitikisan. Ito ang ginagawa mo lalo na pag di mo alam kung paano haharapin ang mainit na sitwasyon.

    Tinatawag din itong silent treatment. Madalas, ang pananahimik ay nagsisimula sa magandang layunin: pakalmahin ang sarili para di lumala ang pag-aaway. Ang problema, kapag hindi maayos na naisara ang pagtatalo at tumagal ang pananahimik, sa halip na humupa, lalong bumibigat ang tensyon hanggang sumabog itong parang bulkan.

    Panlabas lang ang tigil-putukang ito dahil ang totoo, may mga nakatagong hinanakit na dapat mailabas, mga damdaming hindi napakinggan at mga tanong na naghahanap ng kasagutan. Kaya nga pagkatapos kumalma, makabubuting harapin agad ang mga ito at pag-usapan ng mahinahon at nang may positibong disposisyon.

    Ilan sa apat na sintomas ang natukoy mong nangyayari sa relasyon mo?

    D’yan ka magsisimula para muling mamuhunan sa ‘yong relasyon. D’yan ka magsisimula kung gusto mong iangat ang relasyong away-bati patungo sa relasyong matibay at mabuti
     
    yan1988, JEYKID and Draft like this.
  2. ravage

    ravage Administrator Staff Member Administrator

    Dagdag mo na rin ang 'Sexual Deprivation".
     
  3. hahaha..wag na boss...ok na po yang 4 na mas common
     
Tags / Keywords: