1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial Aspiring Hackers - Linux Basics Part 4 (Networking Basics 1)

Discussion in 'Linux Distributions' started by Nicolandia15, May 18, 2016.

  1. [​IMG]


    Guide for Kali Linux Newbies

    1. Please or Register to view links
    2. Please or Register to view links
    3. Please or Register to view links
    4. Please or Register to view links


    [​IMG]

    Welcome back guys. First off this will be very boring. Pag uusapan natin ang konting technical stuff tungkol sa Networking. I'm gonna make sure that this will be very basic and madaling maintindihan. Just like sa sinabi ko sa mga previous tutorial, kung gusto mo mag hack, kailangan mo matuto ng Linux. At kung gusto mo maging successful, kailangan mo matuto ng Networking. Puro overview lang to, kung ano lang maisipan ko i-explain. Hindi ko na isasama yung OSI model, maybe sa ibang tutorial. Napansin ko lang din kasi maraming interesado mag hack pero walang idea kung anong nangyayari sa likod nito. Sana makatulong ito sa mga seryoso talaga.

    Packets
    -
    ito yung unit of data na nag ttravel between sa original destination papunta sa designated destination. Let's say, ito yung data na naglalakbay mula sa computer mo papunta sa isa pang computer or server.

    Paano nag ttravel yung packets?
    - Sabihin natin gusto mo mag send ng data galing sa computer mo papunta sa isa pang computer. Yung internal IP address mo sa example na to ay kunyari 192.168.1.40 at ang pupuntahan niya ay ang 192.168.1.50. Yung unang gagawin ng computer mo is to compare yung address niya sa destination address. Kung napansin nyo pareho silang 192.168.1.x. Ibig sabihin nito nasa iisang network lang sila, yung computer mo (host) which .40 at ang target niya na .50. At di niya na kailangan ng router para makarating dun. Kailangan ng computer mo malaman ang MAC address ng target niya. Kung naalala iyo ang MAC Media Access Control ay isang physical layer kung saan makikita yung actual na physical hardware ng isang computer or device.

    ARP!
    Para ma transfer niya yung data (related to sa taas), ang computer mo mag ssend ng broadcasts message sa lahat ng computer sa buong network (local lang to ha, eto yung naka connect lang na mga device sa router mo). Ang broadcasts na to ay tinatawag na ARP o Address Resolution Protocol.

    "Hoy! Hinahanap ko si 192.168.1.50!!"

    Ngayon lahat ng device sa router mo makakareceive ng message at titingnan nila kung ano yung IP address nila. Yung router mo makaka receive din yan (192.168.1.1) pero hindi siya yung hinahanap at dedma yung message. Lahat ng device sa local network pareho lang din ang gagawin hanggang makita si 192.168.1.50,

    "Hey! Ako to! Si 192.168.1.50. Eto po yung MAC ko AABB:BC44:3222"

    So yung computer natin na mag ssend ng data is nakita niya na ang target na may tamang IP Address at may MAC Address sa local network at pwede na siya mag send ng data. Ano naman mangyayari if yung dalawang address na yun ay nasa ibang network?

    Try ko i-explain as easy as possible. Marami nangyayari sa likod nito pero hindi lahat i cocover ko. Kumbaga yung pinaka basic lang. Tuloy natin yung kwento sa taas na si 192.168.1.40, pero this time i sesend niya yung data sa address na 172.168.1.60, unang una alam na ng computer na wala sa local network yung target kasi di pareho yung mga IP. Gets? gets? Sabi sa inyo madali lang to eh.

    Pero same padin yung gagawin ng computer mo. Mag bbroadcast siya ng message sa lahat, but this time walang kapareho. Naalala mo yung ginawa ng router? Dedma diba kasi hindi niya naman address yan. Ganito ang ginagawa ng router para i stop ang broadcast at mag leak sa buong internet. Sa totoo lang kung walang ganitong design ang buong internet ay mapupuno ng broadcast message ng milyon milyong devices sa buong mundo. Ok, so alam ng computer mo na kahit mag send pa siya ng ARP ay dedma lang to ni router, ang gagawin niya ay mag ssend ulit siya ng isa pang ARP pero this time, hahanapin niya yung default gateway. Eto yung node, or router na nagsisilbing entry and exit point sa network.

    Ok, so normally pag hindi makita ng computer yung target sa loob ng local network, mag ssend ito ng ARP sa default gateway ng router mo as last resort. At mag rereply yung router mo.

    "Hey! Ako yung default gateway. Eto po MAC Address ko blah:blah:blah:"

    Route me baby!
    Titingnan ngayon ng router mo yung data/packet na sinend mo and malalaman niya na yung IP address
    ay galing sa sarili niyong network pero yung destination ay naiiba. Hindi para sa inyo yung data dahil hindi pareho ang IP at kailangan nito maglakbay sa buong internet.

    Ready? Maghahanap ngayon ng paraan yung router mo para matanggap ito ni 172.168.1.60, maglalakbay ang packet o data sa destination gamit ang MAC Address ng router. Titingnan nito ang routing tables which acts like mga node. Paulit ulit itong gagawin ng router na makak receive sa internet at kung para hindi sa kanya, dedma, move on sa next router. Pagdating sa tamang destinasyon, tatanggalin nman ng receiving router yung MAC Address at source ng pinanggalingan ng packet. Sisigaw naman ngayon yung router na naka receive.

    "Hey! May natanggap akong data! Eto yung MAC Address na hinahanap niya. Sino to?"

    Sasagot yung machine or server na nagtugma yung MAC at IP address at i sesend sa kanya yung data.
    Astig diba? Everytime na mag Facebook ka or mag check ng Email sa browser mo, libo libong packets ang naglalakbay sa iba't ibang router sa mundo at ilang segundo lang ang kailangan dito.

    Check out Part 1-4 ng tutorial. Til' next time.
     
    Last edited: May 26, 2016
  2. haba nun haha,, thanks sa info..(magsisimula ng mag lakbay packet/data ko) haha

    waaaaaahh wala ngang isang segundo galing tama ka! haha atlis me natutunan
     
    Nicolandia15 likes this.
  3. Hehe. Salamat sa pag basa. :p
     
  4. welcome, profession mo talaga yan ate?

     
  5. Naah.. Hobby lang po.
     
  6. galing ah edi self learned mo lang yan?
     
  7. Yes po. Wala naman impossible kung gusto mo talaga matuto ika nga. :p
     
  8. tanong lang para san yung mga nag sheshare dito ng mac address
     
  9. Iba po yun. Pero same concept ng MAC spoofing. MAC Address diba yung parang physical ID ng device. Parang ganito. Ako si Globe, bigyan kita ng device at eto yung MAC address mo. Hardcoded yan sa device, at may record kami nyan. Kung yung MAC mo kay Globe for example is blah:blah and may record kami na ikaw si blah:blah bigyan ka namin ng internet. Yung gagawin ng iba is kokopyahin si blah:blah: at ilalagay nila sa device nila, iisipin ngayon ni Globe na siya pa din yun at may access sila sa internet. ïllêgâl siya obviously, yung problema mahirap hanapin kung sino may gawa nun, kasi yung blah:blah is from legitimate user.
     
    arkan27526 likes this.
  10. ahh kawawa naman yung nag babayad haha... tatry ko pa naman sana...
     
  11. That's life daw. hehe
     
  12. Pero pd yan pag galit ka sa kapit bahay mo.. haha
    Dami mong alam ahh malapit na ko humanga sayo.. Bihira kasi sa babae yan.. haha
     
    Nicolandia15 likes this.
  13. Ang galing ng tut nyo boss. Na iinterest narin akong subukan kaso wala akong app ng linux. Subaybayan ko nalang yong kasunod mong tut. Salamat boss.
     
    Nicolandia15 likes this.
  14. It's an honor sir. :p Stay tune po sa iba pang tutorial. Thanks!
     
  15. darkside666

    darkside666 Enthusiast Established

  16. arkan27526

    arkan27526 Enthusiast Established

    Madam salamat po sa pagshare marami akong natutunan haha lahat to gusto kong malaman pero hindi naturo sa skul ko, nag.enjoy ko po lahat ng tuts mo. Hehe hanap pa po ako ng ibang thread aside dito sa 1-4 nyo po. Thanks a lot. Sana marami ka pong bakanteng oras para makagawa pa ng tuts for this topics. :) :D Nicolandia15Nicolandia15
     
  17. Hi! Glad you find it useful po. Unfortunately may pasok na kaya less time na din ako online. I decided na wag na din ituloy since I'm getting less feedback na rin so I'm thinking na konti lang ang interesado. Don't worry though, probably in the future po, dadagdag ako ng mga tuts. Thanks ulit!
     
    arkan27526 likes this.
  18. arkan27526

    arkan27526 Enthusiast Established

    Matagal na po kc ako nghahanap ng ganito ngayon lang ako napad.pad dto, Maraming salamat po aabangan ko po yun, lalo tungkol po sa linux tsaka sa mga applications dun thanks po, simulan ko na rin maghanap sa google ng mga tulad nito para mag.dig deeper pa sa mga topic na tulad nito :) thanks madam!
     
    Nicolandia15 likes this.
  19. Astig to ! Sana maging katulad din kita :) soon!
     
  20. fanget

    fanget Honorary Poster Established

Tags / Keywords: