1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial Aspiring Hackers - Linux Basics Part 3 (Managing Directories and Files)

Discussion in 'Linux Distributions' started by Nicolandia15, May 10, 2016.

  1. [​IMG]
    Guide for Kali Linux Newbies
    1. Please or Register to view links
    2. Please or Register to view links
    3. Please or Register to view links
    4. Please or Register to view links
    So far so good. Di pa ko tinatamad. Hehe. Third installment sa series ng basic Linux skill na dapat malaman ng bawat hacker. I know may ibang tools na available sa Windows or sa Mac pero aminin natin, lahat ng totoong hacker ay gumagamit ng Linux - for good reason.

    Para sa tutorial nito, tingnan naman natin kung pano mag manage ng files and directories sa Linux kagaya ng copying, renaming, moving and tsaka yung viewing. Check din natin later ng konti yung tungkol sa networking and ifconfig na command.

    Step 1: Copying Files (Cp)
    Sa last tutorial, kung naalala niyo pa ay gumawa tayo ng file. We named it dogge_is_sick sa Documents/doggebuster/dogge_bitme/ directory. Wag matawa sa pangalan ng directory.

    [​IMG]

    Now, imagine lang natin na kailangan natin ma copy yung file na yun sa ating home directory which is user root. This is how you do it: cp dogge_is_sick /root Make sense na yung mga commands diba.

    [​IMG]

    Fast forward tayo konti. Yung cp command again is pang copy lang. Matitira pa din yung original file sa directory na yun and magkakaroon ka ng copy sa root directory. So paano naman kung gusto mo mag move ng file pero wala ka dun sa current working directory? Something like this:

    Code:

       Sorry you need to Register / Login to see this Codes!    

    Kung na notice niyo. It's just cp then yung mahabang path tapos kung saan mo siya gustong i-copy which is /root

    Step 2: Moving Files (Mv)

    Pretty straightforward, I know nakakasunod na kayo if nag umpisa kayo from scratch. Explain ko na lang yung screenshot. Nag list command ako from root. Hinahanap ko yung dogge_is_sick na file kasi gusto ko siyang i-move pabalik sa doggebuster na directory under Documents.

    mv dogge_is_sick Documents/doggebuster
    mv is yung move then sunod yung file then sunod yung directory kung san mo siya gusto ilipat.
    Then makikita mo nag cd ako sa Documents/doggebuster. Then list ulit gamit ang ls and andun na yung file.

    [​IMG]

    Minsan gusto din natin i rename yung file naman kailangan i move sa ibang location. Yung move command natin ay siya din ginagamit sa paggawa nito. Try ko i-explain yung next screenshot.

    [​IMG]
    Sa loob ng directory na doggebuster may file tayo na dogge_is_sick na gusto nating i-rename. Ang gagawin lang natin is to type mv dogge_is_sick followed ng gusto mong bagong pangalan which is dogge_good. Nag list ls ako ulit. Nawala na yung original file at napalitan ng dogge_good.

    Step 3: Viewing Files (Cat, More, Less)
    Ang next naman nating gagawin ngayon ay kung pano gumamit ng cat hindi yung pusa, oo corny. cat is short for concatenate or yung pagka dugtong dugtong ng mga words basta parang ganun.

    Try natin i-view yung dogge_good

    [​IMG]

    Ok good. So ano naman yung more tsaka yung less. Brief expalanation, kung napansin niyo, isang bagsakan lang sa terminal lahat ng laman ng dogge_good na text sa loob. Imagine sobrang haba nyan. Aabot yan hanggang sa dulo at wala kang time basahin habang nag eexecute ito. Syempre pwede ka naman mag scroll up after. Yung more command is it will fill the screen ng text at kailangan mong mag hit ng ENTER para sa next page. Less on the other hand is makikita mo yung file name sa lower right ng terminal. More on that sa future.

    Step 4: Networking (ifconfig)
    Bago matapos tong tutorial, gusto ko lang ipakita sa inyo ang isa sa pinaka simpleng networking command, ifconfig. Sa lahat ng gumagamit ng Windows.. yes! equivalent siya ng ipconfig, isang letter lang pinagkaiba at hindi ko alam kung ano ang dahilan. After typing nito sa terminal makikita mo yung mga key information about sa networking configuration mo. Try natin sa terminal, type ifconfig

    [​IMG]
    Makikita mo dito yung network configuration ko. IP Address, netmask , broadcast address , interfaces , MAC Address ng interface etc. Marami pa tayong pag uusapan tungkol sa networking sa mga susunod na tutorial. Til' next time bruh!
     
    Last edited: May 26, 2016
  2. astig, salamat dito TS, laking tulong tut niyo
     
  3. Thank you sir. :)
     
  4. bago lang ako sa kali linux at ginawa ko nang daily OS ko nang sa ganun mafamiliarize ko ang pagGamit sa terminal. hope mabigyan niyo ng pansin ang future question ko. salamat ulit
     
  5. Sure po, any question as long na alam ko. Tungkol naman po sa Kali Linux being used as your primary OS.. mejo, opinion ko lang po is a big NO. For familiarization ok lang po, pero once mag advance ka na like mapping a website, servers, ©râcking password, wifi. May trace po tayo na iniiwan sa machine ng target. So konting ingat na lang.

    In my case, isolated talaga yung Kali ko, pinipigilan kong mag login ng anything na related personal sakin online, that includes Facebook, twitter, instagram. Kahit email wag talaga. I have multiple emails na hindi related sakin, opinion lang po. :)
     
  6. ai ganun ba?! naku, salamat sa info TS, dapat secondary lang pala dapat 'tong kali, add'l knowledge na naman :whistle:
     
  7. fanget

    fanget Honorary Poster Established

Tags / Keywords: