1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia AROMA

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang AROMA ay isang puno na may katamtamang taas na karaniwang makikita sa mababang at maiinit na lugar. Ang mga sanga ay nababalot ng tinik, may dahon na kahalintulad ng sampalok at may bulaklak na madilaw. Ang bunga ay kahalintulad din ng sampalok ngunit mas mahaba. Ito rin ay may matapang na amoy.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA AROMA ?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang aroma ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang halaman ay makukuhanan ng langis na may taglay na benzaldehyde, benzyl alcohol, anisic aldehyde, decyclic aldehyde, at cuminic aldehyde. Mayroon ding salicylic acid at methyl ester ang langis.
    Ang bunga at balat ng kahoy ay may tannin.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Balat ng kahoy. Madalas ilaga ang balat ng kahoy upang ipainom sa may sakit.
    Dahon. Karaniwan ding pinakukuluan ang dahon upang ipainom sa mga dumadanas ng kondisyon. Maaari din itong dikdikin upang ipampahid naman.
    Bunga. Ang bunga ng aroma ay maaaring ilaga para mainom ng may sakit.
    Ugat. Maaari din ilaga ang ugat para sa paggagamot ng ilang kondisyon sa katawan.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG AROMA ?
    1. Almoranas. Maaaring inumin ang pinaglagaan ng balat ng kahoy upang magamot ang kondisyon ng almoranas.
    2. Sugat. Maaaring ipantapal ang mga dinikdik na dahon ng aroma para malunasan ang sugat sa katawan. Mas mabisa kung huhugasan ang sugat gamit ang pinaglagaan ng dahon. ANg pinulbos na pinatuyong dahon ay mabisa rin para sa sugat.
    3. Tuberculosis. Ang sakit na TB ay matutulungan naman ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng aroma.
    4. Tulo. Ang dinikdik na dahon ng aroma ay makatutulong din sa paggagamot sa tulo o gonorrhea.
    5. Pagdudumi. Dapat inumin ang pinaglagaan ng dahon ng aroma para matulungan ang kondisyon ng pagdudumi. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng bunga ng aroma ay mabisa rin para sa kondisyon.
    6. Kanser. Sinasabing mabisa ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng halaman para mawala ang mga tumor na tumutubo dahil sa kanser.
    7. Sore throat. Dapat nguyain ang ugat ng aroma para malunasan ang pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat.
    8. Dyspepsia. Ang inuming tubig na pinagbabaran ng bulaklak ay makatutulong naman sa pananakit ng sikmura dahil sa dyspepsia
     
Tags / Keywords: