1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG HINDI TUGMA ANG RESIBO SA BALOTA?

Discussion in 'Off-Topic' started by Jeanh, May 7, 2016.

  1. ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG HINDI TUGMA ANG RESIBO SA BALOTA?

    1. Pag natanggap na ang balota, kopyahin ang BALLOT ID number na matatagpuan sa pinakataas at kanang bahagi ng balota. Isulat ang BALLOT ID number sa inyong kamay o sa isang maliit na piraso ng papel. Iwasang sulatan ang gilid ng balota.

    2. Markahan ng maigi ang loob ng bilog na tugma sa ibobotong kandidato. Kapag kumpleto na ang balota, magtungo sa VCM scanner. Ipasok ang balota sa VCM scanner at maghintay hanggang lumabas ang resibo. Kung hindi tayo sigurado paano ipasok ang balota sa VCM scanner, magpatulong po tayo ngunit HUWAG hayaang iba ang gumawa nito para sa iyo. Ikaw mismo dapat ang magpasok ng balota sa scanner.

    3. Kapag natanggap na ang resibo, umalis sa harapan ng scanner para magbigay daan sa ibang botante. Suriing mabuti ang resibo. Kung tugma ito sa balota mo, ihulog ang resibo sa nakaabang na kahon. Tandaan, hindi maaaring iuwi o ilabas ng presinto ang resibo.

    PAANO KUNG HINDI TUGMA ANG RESIBO SA BALOTA MO?

    Kung hindi ayon ang boto mo sa lumabas na resibo, maaring may blangko o ibang pangalan ang lumabas. Ito ang mga dapat gawin:

    1. Isulat ang BALLOT ID number sa LIKOD ng resibo at pirmahan ito.

    2. Lumapit sa BEI Chairman ng presinto. Sabihin ang reklamo.

    3. Tungkulin ng BEI na gumawa ng report ukol sa iyong reklamo. Isusulat ang detalye ng iyong reklamo sa logbook. Siguraduhing tama ang report. Ibigay ang iyong resibo sa BEI para maisama sa logbook.

    IMPORTANTE pong mai-REPORT ang mga REKLAMO at nakasaad ang BALLOT ID number sa likod ng resibo. Ito po ay magsisilbing katibayan ng reklamo. Sa ganitong paraan, mas madaling i-tugma ang iyong balota sa resibo upang wala ng magamit na katwiran ang COMELEC na hindi pansinin o i-dismiss ang ating mga REKLAMO.

    Ang ating mga balota, nabasa man ng VCM scanner ng tama o hindi, ay maisasama sa bilangan ng boto sa presinto. Kaya dapat lamang na mai-REPORT ng tama ang anumang insidente lalo na kung hindi tugma ang balota sa lumabas na resibo.

    HUWAG KALIMUTAN. Ang BALLOT ID number ay napakaimportante. Kopyahin po natin ito bago magtungo sa VCM scanner. Para pag may problema, ISULAT ang ballot ID sa resibo at pirmahan saka idulog ang reklamo sa BEI.
    -------------------------------------------------------------------
    Dahil hindi lahat may Internet, gawin natin ito bilang ATING MISYON at ATING TUNGKULIN sa darating na eleksyon,

    1. Maaga tayong pumunta sa mga presinto.
    2. I-inform lahat ang naka linya sa presinto tungkol sa RESIBO. Pagsabihan natin sila kung ano ang mga dapat gawin kung hindi tugma ang balota sa resibo.


    [​IMG]
     
    ICare likes this.
Tags / Keywords: