1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

ANG PINAKA MAMAHAL KONG SINUNGALING NA NANAY! "..must read

Discussion in 'Off-Topic' started by Jeanh, Feb 1, 2016.

  1. ANG PINAKA MAMAHAL KONG SINUNGALING NA NANAY! "


    Ang 8 pagsisinungaling ni nanay" ipinanganak akong salat sa yaman. bata pa lang ako, madalas na kaming sumala sa pagkain. kapag minsang meron kaming makakain sa hapag, isinasalin ni inay sa aking pinggan ang parte ng kanin niya at habang ibinibigay niya ang kanin niya sa akin, ay sinasabi niyang....

    "kainin mo na 'tong kanin ko, anak! hindi ako nagugutom" - yun ang unang pagsisinungaling ni nanay sa akin nang lumalaki na ako, nakikita ko ang nanay kong nanghuhuli ng isda sa ilog sa likod-bahay namin para daw makakain naman ako ng masustansiyang pagkain kahit paano at hindi lang puro gulay. kapag nakahuli siya ng dalawa ay iniluluto niya ito at ihahain sa kin. minamasdan niya ako habang kumakain at minsan ay kumukuha ng ilang pirasong laman sa tinik na tira ko. inalok ko yung isang isda pero agad siyang tumatanggi... "ubusin mong lahat yang isda, anak! hindi ako kumakain niyan" -


    yun ang pangalawang pagsisinungaling ni nanay para matutusan ang pag-aaral ko ay tumatanggap si nanay ng labada sa mga kapitbahay naming may-kaya. mula umaga hanggang gabi, halos nakababad na siya sa labahan. minsan nagising ako nang hatinggabi at nakita kong naglalaba pa rin si inay kaya sinabi sa kanya na magpahinga na siya pero ngumiti lang siya sa kin... "matulog ka na uli, anak! hindi pa ako pagod" -

    yun ang pangatlong pagsisinungaling ni nanay me malaking programa sa paaralan namin, sinamahan ako ni inay at naghintay siya sa akin sa gitna ng init ng tirik na araw. nang matapos na ay sinalubong ko siya ng yakap. inabutan niya ako ng tubig sa plastik na may yelo pero nakita ko ang kanyang tumatagaktak na pawis sa noo kaya sinabi ko sa kanyang uminom din siya ng tubig ngunit tumugon lang siya...

    "inumin mo na yan, anak! hindi ako nauuhaw" - yun ang pang-apat na pagsisinungaling ni nanay nang pumanaw si itay, mag-isang tinaguyod ni inay ang buhay namin sa pagtitinda ng gulay sa palengke. lalong naging hikahos ang buhay namin at madalas kapos kami sa pang-araw-araw na gastos. may mga kapit-bahay kaming nagpapayo kay inay ng mag-asawa uli para may katuwang siya sa pagpapalaki sa amin pero mariin siyang tumanggi... "kaya kong mag-isa ito! hindi ko kailangan ng asawa" -yun ang panglimang pagsisinungaling ni nanay nakatapos ako ng pag-aaral at nagkaroon ng maliit na pagkakakitaan. kahit paano ay nakakatulong na ako sa pang-araw-araw na gastos namin habang patuloy pa


    ring nagtitinda si inay sa palengke. nuong unang araw ng sahod ko ay iniabot ko lahat kay inay ang buong suweldo ko pero isinauli niya lang ito sa akin... "mas kailangan mo 'to, anak! marami pa kong pera rito" -yun ang pang-anim na pagsisinungaling ni nanay medyo sinuwerte ako at gumanda ang posisyon ko sa kumpanyang pinapasukan ko. malaki na rin ang aking sahod. katunayan, minsan ay nabigyan ako ng bonus para makapamasyal sa Amerika ng dalawang linggo. napagpasyahan kong si nanay ang isama ko doon pero umayaw siya... "iba na lang isama mo, anak! hindi ako sanay sa marangyang buhay" -


    yun ang pampitong pagsisinungaling ni nanay hindi nagtagal ay nagkasakit si inay ng kanser at labas-masok na siya sa ospital kadalasan. kinakailangan niyang sumailalim sa operasyon para sa kanyang karamdaman. awang-awa ako sa kalagayan niya at naluluha ako tuwing pinagmamasdan ko siya. nangayayat nang husto si inay pero gayunpaman ay nakuha pa rin niyang ngumiti...

    "huwag kang umiyak, anak! hindi ako nakakaramdam ng sakit" -yun ang pangwalong pagsisinungaling ni nanay at pagkatapos niyang banggitin ito, pumanaw na ang pinakamamahal kong inay. ikaw kaibigan... minamahalaga mo ba ang pagmamahal ni Inay sa Iyo... O masyado kang gahaman at tila ba hindi mo nararamdaman ang mga paghihirap nya?
     
  2. True! Bata pa lang ako lagi ko na din naririning yung mga wika na "Isusubo na lang namin ibibigay pa sa anak" kapag may sakit o dinaramdam ang anak "Kung pwede ako na lang magdadala ng nararamdaman mo", Kapag may misunderstanding sa pagitan ng Anak at Magulang at nagbibigay ng payo ang Magulang sa anak "Darating ang araw maiintindihan mo din kung gaano kahalaga ang isang anak kapag nagkaroon ka na ng sarili mong Pamilya at naging isa ka na ring Magulang" .. Kaya Salute sa kanila (y)
     
  3. How sweet naman ng nanay mo ts!
     
  4. oo nga..nakaka iyak

    da best nanay ko for me..(y)
     
  5. black_hulk

    black_hulk Addict Established

    wow. thanks for sharing.
     
  6. welcome bossing (y)
     
  7. queencee

    queencee Forum Expert Established

    Thanks for sharing this :)
     
  8. welcome mga bossing [​IMG]
     
  9. Thanks for sharing boss
     
  10. welcome mga bossing [​IMG]
     
  11. welcome mga bossing [​IMG]
     
Tags / Keywords: