1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Ang liham ni inay

Discussion in 'Gags & Jokes' started by Lift, Sep 8, 2014.

  1. Lift

    Lift Support Team Staff Member Support Team

    Minamahal kong Anak,

    Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong
    mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa probinsya
    para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero hindi ko
    maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating
    nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit
    ng address.

    Maganda ang lugar na ito at malayo sa manila. Dalawang
    beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong
    una at apat na araw noong pangalawa.
    Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun
    nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi
    FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa
    ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko
    sa tindahan at magrereklamo ako.

    Noong isang a raw naman ay hindi ako makapasok sa
    bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay
    YALE, eh aba namalat na ako sa
    kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo
    din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam
    na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata
    ito!

    Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at
    tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa selyo lang
    dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga botones
    kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang
    mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng
    jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan. Nagpadala
    rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng
    bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na
    maging anonymous donor.

    Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na
    dito,mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag
    gugupit siya ngayon ng damo sa memorial
    park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

    Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa
    alam kung babae o lalake kaya hindi ko
    pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

    Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang
    ng madalas.

    Love,
    Nanay

    P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay
    naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha..
     
    cyberkram, neo anderson and Atheos like this.
  2. imbaustic

    imbaustic Forum Guru Established

    wahahaha. ang tindi nito tol lift :ROFLMAO:
     
Tags / Keywords: