1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Ang lagundi (Shrub or five-leaved chaste tree)

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang lagundi (Shrub or five-leaved chaste tree) na may sayantipikong pangalan na Vitex Negundo ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, ayon sa pag-aaral at pananaliksik ang Lagundi ay nagtataglay ng chrysoplenol D, na nagpapaalwan ng kalamnan at may katangian ng anti-hitamine. Nagtataglay din ito ng isoorientin, casticin, luteolin-7-0-glucoside, bukod sa iba pang mga bagay na magpalabas ng resulta ng isang anti-histamine. Pinipigil din nito ang palabas ng leukotriene, isang mahalagang kayarian na pumipigil sa hika. Ang dahon, ugat, bulaklak at buto ng Lagundi ay kinakitaan din ng halaga sa panggagamot.

    Lumilitaw na ang Lagundi ay may pakinabang din bilang analgesic, ayon sa pag-aaral inihahalintulad ito sa mga gamot na kagaya ng aspirin na nagpakita na nakatutulong sa paglapat ng lunas sa mga karamdaman katulad ng sakit na dulot ng pagbunot ng ngipin.

    Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

    Dahon
    Hika
    Ubo
    Lagnat
    Trangkaso

    Bulaklak
    Pagdudumi
    Kolera
    Lagnat
    Sakit sa atay
    Inirerekomenda din bilang pampalakas ng puso

    Buto
    Pamamaga ng bibig
    Sakit sa balat
    Ketong

    Ugat
    Hindi pagkatunaw ng pagkain
    Rayuma
    Bulate
    Apad
    Pigsa

    Paghahanda:

    Sabaw:
    Hugasang maigi at hiwain ng maliliit.
    Sukatin ang dalawang (2) baso ng tubig at isang (1) basong sariwang ginayat na dahon.
    Pakuluan sa mahinang apoy sa kalderong walang takip sa loob ng 15 minuto.
    Palamigin at salain
    Ubo at Hika - 1/3 baso 2 beses isang araw.

    Lagnat - 1/3 baso tuwing ikaw 4 na oras.

    Ang paggamit sa bulaklak, buto at ugat. Pakuluan din tulad ng dahon.
     
Tags / Keywords: