1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

"Ang Impyerno ay Totoo"

Discussion in 'Traditions & Beliefs' started by Jeanh, Nov 27, 2015.

  1. Please or Register to view links

    "Ang Impyerno ay Totoo"

    “ Ang Testimony ni James “

    Ako si James, isang makasalanang tao..
    lahat ng bisyo ay naranasan ko na, alak, babae, sugal at droga,
    Linggo ng gabi habang nagmamaneho ako ng sasakyan pauwi galing inuman, bumangga ako sa isang pader, yun ang huli kong natatandaan, pagkatapos nun napunta ako sa isang lugar na maraming apoy, bawat paligid ay nagliliyab,
    nagtataka ako kung bakit wala akong pawis pero ramdam ko ang sobrang init, ilang sandali pa may narinig akong boses, hinanap ko ito at nakita ko ang isang babaeng, nagliliyab ang buo nyang katawan sa apoy pinipilit nyang umakyat sa apoy ng malaking kawa pero di sya makaalis, hindi ito nasusunog pero hirap na hirap sya,
    kausap sya ng boses na aking naririnig, ngunit hindi ko makita kung saan nanggagaling ang boses
    malinaw at dinig na dinig ko ang kanilang pinag- uusapan. Ito ang kanilang usapan….

    Babae: patawarin mo na ako sa lahat ng aking mga kasalanan, hanguin mo ako dito sa apoy, hindi ko na kaya..
    Boses: Nung nabubuhay ka pa sa mundong ibabaw, hindi ka man lamang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa mong kasalanan,
    hindi ka man lang nagpasalamat sa lahat ng biyayang iyong natatanggap sa halip, sinarili mo lahat ng ito at iyong ipinagdamot sa mga taong nangangailangan, mapagmataas ka, mapanlait at panginoon ang tingin mo sa iyong sarili dahil sa pinagkaloob ko sa yong kagandahan.

    Babae: ayoko dito, ibalik mo na ko sa lugar kung saan sinasamba ang aking kagandahan, hinahangaan ang aking katawan at maraming lalaki ang nababaliw sa akin, makuha lang ako,
    lahat ng aking luho ay nakakamit ko, wala akong bagay na hindi nakukuha, kaya sana ibalik mo na ako sa lugar na pinanggalingan ko

    Boses: Matagal ko nang sinabi sa'yo na mapupunta ka dito kung hindi ka magbabagong buhay, masusunog ka sa apoy ng impyerno kung hindi ka susunod sa aking turo, maaaring hindi mo alam na sinabi ko sa'yo ito pero may mga tao akong inutusan na sabihin sa'yo lahat ng ito, natatandaan mo ba yung mga panahon na may nag yaya sa yong magsimba? nung may nagsabi sa'yong magbasa ka ng bibliya? at sundin lahat ng turo ng aking anak na si Hesus?
    na tanggapin Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas, aminin at pagsisihan nyo ang inyong mga pagkakasala? huli na ang lahat, sana ginawa mo ang lahat ng kalugod- lugod sa Akin nung nabubuhay ka pa, kaya ngayon ay pagbabayaran mo lahat ng ginawa mong kasalanan, kalupitan sa iyong kapwa, pagdadamot, pang- aabuso sa iyong katawan na aking templo at banal.

    Tulalang tulala ako sa aking nasaksihan, ang boses pala na aking naririnig ay ang Diyos, hindi man ako derektang kinausap ng Diyos pero damang dama ko na ganun din ang sasabihin Nya sa akin, na mamulat ako sa katotohanan,. ilang sandali pa ay nagising ako sa aking pagkakatulog.. tumingin at lumingon sa paligid, nasa ospital ako at nakatingin ang aking magulang at kapatid sa aking pag- gising, sinabi nilang naaksidente ako at mahigit isang buwan na akong walang malay at comatose, mabilis akong naka recover at gumaling na labis ikinagulat ng mga doktor dahil sa milagrong pagkakaligtas ko mula sa mala bangungot na aksidente. Ngayon bilang pasasalamat sa Diyos isa na ako sa mga taong kumakanta ng Alive! Alive, Jesus is alive, !with matching pikit mata at taas kamay,
    nagpupuri ako sa Diyos na dati ay pinagtatawanan ko everytime na makakakita ako ng ganung eksena, pero ngayon, ako naman ang pinagtatawanan ng aking barkada, pero ayos lang dahil tinanggap ko na si Hesus bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas na kung saan, Siya ay namatay para sa aking mga kasalanan, kaya wala na akong paki alam sa sasabihin at iisipin ng ibang tao, lahat ng bisyo ay tinalikuran ko na..
    Maraming hindi naniniwala sa aking nasaksihan sa tuwing kinukwento ko ito sa aking barkada nuon, pero hindi ko na kasalanan kung hindi sila naniniwalang may impyerno basta ginawa ko lang ang aking nararapat gawin na ipamalita ang Magandang Balita at ang Salita ng Diyos.

    Kung isa ka sa mga naniniwalang may impyerno at si Hesus ang ipinadala ng Diyos upang tayo'y iligtas sa ating mga pagkakasala
    Type AMEN and click share at ibahagi natin sa iba ang Magandang Balita at mga Salita ng Diyos

    Tunay ang sinabi ni Jesus, sa Acts 16:31, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan ! habang hindi pa huli ang lahat, tanggapin mo ang Panginoong Jesus bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas, at sinabi sa Juan 3:16, Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaron ng buhay na walang hanggan. Amen
     
    marlonposadas and demonic098 like this.
  2. baka naman " Please or Register to view links" niya lang yan.
     
  3. hindi ito totoo .. itong sinabe ng babe na to ang patunay." Babae: ayoko dito, ibalik mo na ko sa lugar kung saan sinasamba ang aking kagandahan, hinahangaan ang aking katawan at maraming lalaki ang nababaliw sa akin, makuha lang ako,
    lahat ng aking luho ay nakakamit ko, wala akong bagay na hindi nakukuha, kaya sana ibalik mo na ako sa lugar na pinanggalingan ko"
    wlang mag sasabe nito habang nasusunog patawa lng. no offense meant
     
    demonic098 likes this.
Tags / Keywords: