1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Android users, pinag-iingat vs hackers

Discussion in 'Off-Topic' started by aregee, Aug 4, 2015.

  1. Sa isang text message lamang na naglalaman ng picture, audio o video ay maaari nang ma-hack ang mga Android phones.

    Nakakatakot isipin na ang pinakakilalang mobile operating system, Android, ay nakararanas ng ganitong problema.

    Sa ulat ng CNNMoney, ito na ang pinakamalaking pagkakamali na nadiskubre sa smartphones. Tinatayang nasa 950 million phones ang apektado sa isyung ito, dahil sa ngayon ay may 95% ang gumagamit ng Android sa buong mundo.

    Nangyayari ang pangha-hack bago pa man mabuksan ang natanggap na text message dahil automatic nang pinoproseso ng cellphone ang mga papasok na files tulad ng pictures, audio o video. Ibig sabihin, ang mal-laden file na ito ay magsisimula nang sirain ang phone kapag ito ay natanggap na, batay sa Zimperium, isang cybersecurity company.

    Mas malala ito kumpara sa nangyaring text hack sa Apple dahil may full o complete control ang hacker dito: nagkakaroon ng access sa mga mobile apps ang hacker at kaya rin nitong i-on ang camera nang hindi nalalaman ng may-ari.

    Ayon sa Google (GOOGL, Tech30) , alam nila ang problema at sinabing may paraan ang Android para malimitahan ang hackers sa access na mahiwalay ang apps at functions ng phone. Ngunit hindi natinag ang hackers dito at wala ang sinasabing limitasyon.

    Ang bug ay nakakasira ng anumang phone na may Android software na ginawa sa nakalipas na limang taon, ayon pa sa Zimperium. Kabilang dito ang devices na Froyo, Gingerbread, Honeycomb, Ice Cream Sandwich, Jelly Bean, KitKat at Lollipop iterations.

    Nagbigay ng warning ang Zimperium sa Google tungkol sa isyu noong April 9 at nagbigay din ng solusyon. Rumesponde naman ang Google na magkakaroon sila ng pâtch (software na mag-a-update sa computer program o sa supporting data para maayos o mas gumanda ito) sa hinaharap.

    Sa ganitong sitwasyon, may 90 araw na palugit ang kumpanya upang resolbahin ang mga isyu pero 109 araw na ang nakakalipas ay wala pa rin nangyayari kaya’t isinapubliko ng Zimperium ang problema.

    Ang lumilitaw na isyu ngayon gaano kabilis na maaaksyunan ng Google ang problema. Kaya ng Apple na magkaroon ng updates sa lahat ng iPhones. Ang Google, hindi.

    Kilala ang Google sa fractured distribution system. Maraming entities ang nasa gitna ng Google at ng kanilang users at routine nang mabagal ang paglabas nila ng bagong software. May phone carriers gaya ng AT&T (T, Tech30) at Verizon (VZ, Tech30) at makers ng physical devices tulad ng Samsung (SSNLF) – ay dapat sabay na kumilos para maresolba ang problema.

    Sinabi ng Google sa CNNMoney na nagpadala na sila ng solution sa kanilang “partners”. Ngunit hindi malinaw kung sino sa kanila ang nagsimula na para rito.

    May Nexus phone ang Google para makatanggap ng updates. Isa itong test case para malaman ang halaga ng mabilis na pagtanggap ng updates.
     
    lpdogelio and ravage like this.
  2. ravage

    ravage Administrator Staff Member Administrator

    Well what can we expect sa google. I don't know about you kiddies pero alam ng mga old-timer na gaya ko kung ano ang reputation ng google simula pa nung una.