1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Allergy sa hipon nakakamatay

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by aregee, Aug 27, 2015.

  1. Ang allergy ay nade-develop kapag nalaman ng katawan na ang proteins sa shellfish ay nagiging dangerous invaders. Ang katawan natin ay nagpo-program ng antibodies upang mag-respond sa proteins, at kapag nakonsumo ang shellfish, ang antibodies ay umaatake na, sinisimulan ang pag release ng histamines sa bloodstream at ang pagbagsak ng response ng sintomas.

    Maaaring ma-develop ang shellfish allergies sa anumang edad. Mataas ang posibilidad ng allergy kung ang iyong pamilya ay mayroon din nito. Pwedeng lumabas ang allergy kung ikaw ay matanda na.

    Ang shellfish allergies ay maaaring humantong sa severe reactions sa sinoman. Ito ang mga taong intolerant sa proteins na nasa fish products. Ang reaction ay kadalasang dahilan ng immune system response at sinusundan ito ng sintomas. Ang taong allergic sa shellfish ay pwedeng allergic din sa alimasag, lobster, crayfish, oyster, halaan, tahong, hipon, at iba pa.

    Sintomas

    Ang sintomas kapag inatake ng allergy sa hipon ay pagkakaroon ng pantal, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, hirap sa paghinga, pangangati ng mga mata, pamumula o pamamaga ng mukha, pamamaga ng lalamunan, dila at airway at sa iba kaso ay pwedeng humantong sa anaphylactic shock na maaaring ikamatay.

    [​IMG]

    Lunas

    Ang treatment para rito ay kinabibilangan ng epinephrine, antihistamines, at ang agarang pagkonsulta sa inyong doktor. Malaking tulong din na iwasan ang mga allergen na ito para hindi malagay sa alanganin ang iyong kalusugan o ang iyong buhay.

    Dapat mas maingat

    May pagkakataong akala mo wala ka namang nakaing bawal pero lumabas naman ang sintomas sa katawan mo. Nangyayari ito kapag halimbawang ang kinain mong fried chicken o French fries ay niluto sa mantikang ginamitan ng hipon. Posible ito lalo na kung kumain ka sa labas.
     
  2. tsktsk allergic ako sa hipon
     
Tags / Keywords: