1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia alambrillo ay isang uri ng fern

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang alambrillo ay isang uri ng fern o pako na tumutubo nang patayo sa paraming lugar sa Luzon, partikular sa Batanes, Benguet, Nueva Vizcaya at Laguna. Ang halamang ito ay maliit lamang at karaniwan na ring itinatanim sa mga paso bilang halamang ornamental. Karaniwan din itong ginagamit sa panggagamot sa ilang mga lugar.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA ALAMBRILLO?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang alambrillo ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang halaman ay makukuhanan ng triterpenes, flavonoids, phenylpropanoids at carotenoids.
    Ang ugat naman nito ay may taglay na triterpenic compounds, Davallene 1 at Adipedatol 2
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang mga dahon ng alambrillo ay karaniwang nilalaga at pinapainom ang pinaglagaan para sa may sakit. Ang katas ay maaari ding ihalo pulot (honey) gamitin sa panggagamot.
    Ugat. Ang pinaglagaan ng maliliit na ugat ay mabisa din na panggamot sa ilang mga karamdaman.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG ALAMBRILLO?
    1. Sipon. Ang pinaglagaan ng dahon ng alambrillo ay karaniwang pinapainom sa taong may sipon upang maibsan ang mga sintomas na nararansan.
    2. Ubo. Mabisa din para sa ubo ang pinaglagaan ng mga dahon ng alambrillo. May kaparehong epekto din ang pag-inom sa maliliit na ugat ng alambrillo.
    3. Kawalan ng gana sa pagkain. Matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng alambrillo ang panunumbalik ng gana sa pagkain Ito ay iniinom lamang na parang tsaa.
    4. Iritasyon sa mata. Maaaring gamitin sa panggagamot sa iritasyon sa mata ang katas ng dahon na hinalo sa pulot o honey.
    5. Hirap sa pagdumi. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ay makatutulong din sa pagpapadali ng dumi kung dumaranas ng pagtitibi.
    6. Iregular na pagreregla. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon para naman mabalik sa normal ang buwanang dalaw sa mga babae.
    7. Iritasyon sa balat. Ang dinikdik na mga dahon ng alambrillo ay mabisa naman na lunas sa iritasyon sa balat. Ito ay pinapahid sa apektadong balat.
    8. Pagsusugat sa bibig. Maaaring nguyain ang mga dahon ng alambrillo para maibsan ang pagsusugat sa bibig.
    9. Lagnat. Matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng alambrillo ang pagpapababa sa mataas na lagnat na nararanasan.
    10. Pagkapanot. Ang dinikdik na dahon ng alambrillo ay maaaring ipampahid sa bahagi ng ulo na numinipis ang buhok o nalalagasan ng buhok.
     
Tags / Keywords: