1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

"ALAMAT KUNG BAKIT NAGSISINUNGALING ANG MGA LALAKI:"

Discussion in 'Off-Topic' started by Jeanh, Jan 21, 2016.

  1. "ALAMAT KUNG BAKIT NAGSISINUNGALING ANG MGA LALAKI:"

    Ito nga ba ang alamat kung bakit nagsi-sinungaling ang mga lalaki...?

    Karpintero itong si Joel at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog.
    Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.

    Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya,
    "tutulungan kita, Joel"
    ...sabay lundag sa ilog.

    Lumabas ito na me hawak na gold hammer,
    "ito ba ang martilyo mo?"...
    "hindi po"...
    Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,
    "ito ba?"...
    "hindi po"...

    Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer,
    "ito ba?"..."
    Opo" ...natuwa ang anghel.
    "Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa'yo na rin ang gold and silver hammer"...

    Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Joel sa ilog at kasama ang misis niya.
    Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog...iyak si Joel.

    Litaw si guardian angel, "tutulungan kita"...

    sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Sam Pinto,
    "ito ba ang misis mo?"
    ...sagot si Joel,
    "OPO!"

    ...nagalit si anghel,
    "sinungaling ka. Akala ko pa naman mabait ka Joel"...

    Nag- reason-out si Joel,

    "Sorry po, guardian angel...kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Megan Fox. At pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo.

    At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Sam Pinto at Megan Fox!

    Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang ang
    sinagot ko nung una."

    MORAL OF THE STORY:
    Kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki eh for a good and noble reason.
     
    queencee and iLoonie like this.
  2. tama! may times talaga na dapat din magsinungaling dahil walang perpektong tao dito sa mundo (y)

    wait.. bakit kami? o_O
     
    Jeanh likes this.
  3. nakita ko lang hehehe...
     
  4. hindi naman lahat hehe may mga masamang balak din xD
     
  5. hahaha..ganun po ba bossing
     
Tags / Keywords: