1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

"Aking Dapit-hapon" (my sunset)

Discussion in 'Quotes & Poems' started by madpro, Jun 21, 2016.

  1. Pag-angat ng araw
    Aking mata'y, mulat at uhaw
    Sa pag-ibig na nais
    Maibsan ang pagtitiis.

    Na kahit ma'y abutin
    Ng tanghali't dilim
    Bawat sigaw, ililigaw
    Makita lang at mahagip.

    Kahit ako'y masaktan
    Tuloy pa rin sa paglakbay
    Ulit-ulitin man bawat hakbang
    Di susuko't di bibitaw.

    At sa hapong parating
    Dilim ma'y di iindain
    Pagkat ako'y lalake lang
    Nagmamahal sayo ng lubusan.
     
Tags / Keywords: