1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

8 pagkaing pampaganda ng balat

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by aregee, Aug 28, 2015.

  1. Sa bagong henerasyon na usung-uso ang salitang “stress” dahil na rin sa dami ng ating mga trabaho at responsibilidad, sa kabila ng ating pagiging busy ay hindi pa rin dapat na maisantabi ang ating kalusugan.


    Ayon sa mga eksperto, ang ating mga balat ang siyang kadalasang napapabayaan lalo na sa mga kalalakihan kung kayat heto ang walong pagkain na maaari nating kainin para magkaroon ng magandang balat nang hindi na kailangan pang gumastos nang malaki.


    upload_2015-8-28_11-57-50.jpeg
    AVOCADO -- Ang avocado ay magandang source umano ng biotin na makatutulong para maiwasan ang dry na balat gayundin para maging malusog ang buhok at kuko. Maliban sa pagkain nito ay maaari rin itong gawing moisturizing mask kung saan i-blend lamang ito at ilagay sa mukha, ang langis umano nito ay magsisilbing emollient para mawala ang dryness sa mukha dahil sa taglay nitong vitamin E.

    upload_2015-8-28_12-0-54.jpeg
    GREEN TEA -- Ang green tea umano ay mayroong mataas na sangkap ng polyphenols na nakatutulong para maging hydrated ang ating balat.

    [​IMG]
    KAMATIS -- Lumilitaw sa isinagawang pag-aaral sa Germany na ang kamatis ay may mataas na carotenoid na nakatutulong para maiwasan ang cellular damage. Maaari rin umano na matanggal ng kamatis ang sunburn. Ang gawin lamang ay durugin ito nang mabuti at lagyan ng olive oil at ilagay sa balat na may sunburn.

    [​IMG]

    SALMON -- Ang salmon ay may taglay na astaxanthin, isang carotenoud na tumutulong para magkaroon tayo ng elastic skin, o para makaiwas sa mga wrinkles.

    upload_2015-8-28_12-18-21.jpeg
    ITLOG -- Ang itlog ang sinasabing isa sa pagkain na may kumpletong source ng protina at biotin na nakakatulong para makaiwas sa dry skin.

    upload_2015-8-28_12-19-28.jpeg
    POMEGRANTE o sa Tagalog ay kilala bilang Granada, ay isa umanong antioxidant fruit, may taglay itong collagen na mas mabilis na nagpapagaling sa ating mga sugat, gayundin ay nagpapakinis sa balat.


    upload_2015-8-28_12-20-30.jpeg
    WALNUTS -- Ang walnut ay may mataas na omega 3 fatty acids katulad ng nakukuha sa isda, nakakatulong ito para magkaroon ng makinis na balat at makintab na buhok.

    upload_2015-8-28_12-21-28.jpeg
    BEANS -- Ang mga beans o mga legumes ay nakakatulong sa digestion at nagre-repair din ito ng mga cells na nasira dahil sa free radicals.

    Ayon kay Health Undersecretary Dr. Eric Tayag, ang pagiging malinis sa katawan at pagkain ng tamang pagkain ang siyang susi hindi lamang para magkaroon ng magandang balat kundi magkaroon ng magandang pangangatawan.

    Kailangan din umano na umiwas sa stress at magagawa ito kung palagiang magiging masaya ang pagtingin sa buhay sa halip na magmukmok at magreklamo.
     
    JEYKID likes this.
  2. aqui09

    aqui09 Honorary Poster Established

Tags / Keywords: