1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

10 Paraan Para Tumalino

Discussion in 'Off-Topic' started by Jeanh, Jan 25, 2016.

  1. 10 Paraan Para Tumalino


    Ayon sa isang pagsusuri, sa bawat pagdagdag ng taon sa ating pag-edad, humihina ang ating pag-iisip ng bahagya. Ngunit, may ibang tao naman na lalo pang tumatalino kapag nagkaka-edad. Ano ba ang sikreto nila para tumalino?
    1. Maglakad ng 45 minutos. Kapag tayo’y nag-eehersisyo, mas gumaganda ang sirkulasyon ng dugo sa ating katawan, kabilang na ang daloy ng dugo sa ating utak. Sa mga estudyante, kapag hindi mo alam ang sagot sa test, igalaw-galaw ang iyong mga paa at baka maalala mo na ang tamang sagot.
    2. Paganahin ang utak. Gamitin palagi ang ating pag-iisip. Magsagot ng crossword at mga puzzles. Mag-enroll sa eskwelahan. Makipaglaban sa chess. Huwag magretiro at ituloy lang ang iyong mga proyekto.
    3. Kumain ng pampatalino. Ang mga subok na brain foods ay ang mani, matatabang isda (tulad ng tuna, tilapia, salmon, sardinas, dilis at tamban), abocado, olive oil, cocoa, spaghetti sauce at tomato sauce.
    4. Puwedeng uminom ng Omega 3 fish oil supplements. Napatunayan na makatutulong ito sa pagganda ng daloy ng dugo sa ating puso at utak.
    5. Itanong sa doktor kung puwede kang mag-Aspirin. Kung ika’y may diabetes, sakit sa puso, o istrok, baka makatulong sa iyo ang aspirin 80 mg tableta bawat araw. Kumonsulta sa doktor.
    6. Magkaroon ng kaibigang mas bata at mas matanda sa iyo. Huwag puro kaedad mo lang ang kausapin mo. Marami kang matututunan sa mga nakatatanda sa iyo. At sa pakikipag-usap sa mga bata, mahahawa ka sa sigla nila.
    7. Labanan ang stress. Masama ang stress sa katawan at utak. Nakatatanda ang stress lalo na kapag hindi agad nabigayan ng solusyon ang iyong problema. Ayusin ang mga problema at dalhin ng magaan ang iyong mga ginagawa.
    8. Mangarap ng mangarap. Magtiwala kang magkakatotoo ang iyong mga pangarap. Daanin mo sa sipag at dasal at baka makamtan mo na ang iyong inaasam.
    9. Alagaan ang iyong ulo. Iwasang mahulog o matumba. Magsuot ng helmet at maglagay ng seatbelt para iwas sa aksidente. Huwag hayaang masuntok o mauntog ang iyong ulo. Baka mamatay at mabawasan ang mga selula natin sa utak.
    10. Kumonsulta sa doktor at magpa-check up bawat taon. Kapag malusog ang iyong katawan, siguradong masigla din ang lagay ng iyong utak. Good luck.
     
    ICare, angelo cruz and bladesofsins like this.
  2. reygun1977

    reygun1977 Journeyman Established

    Kaya pla ako ay.....Thanks talaga TS na addict na ako sa mga POST mo,every time na sa PH Corner ako...page mo hinahanap ko
     
    Jeanh likes this.
  3. thank you bossing
     
  4. macr0w15

    macr0w15 Addict Established

  5. thank you bossing
     
  6. black_hulk

    black_hulk Addict Established

    Ayos. Salamat po dito sana tumalino nako kapag nagawa ko ito. :)
     
  7. thanks for sharing TS.. (y) dami ko nang alam :)
     
  8. Kung nakita ko to nung exam siguro may pag-asa pang maka pasa. Hehe
     
  9. kaya mo yun bossing (y) ikaw pa
     
  10. queencee

    queencee Forum Expert Established

    Thanks for sharing this:)
     
  11. jomzwoo23

    jomzwoo23 Enthusiast Established

    Nice information(y)actually i think most of us naman matalino sadyang tamad lang tayo mag-isip...
     
  12. Kuya Kim, Este Boss Please or Register to view links. Salamat :)
     
  13. Diko na to kaylangan umaapaw na katalinuhan ko:writer:
     
  14. Ts its in the genes din po ang katalinuhan :D
     
Tags / Keywords: