1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

10 epektibong paraan para makatulog agad

Discussion in 'Off-Topic' started by aregee, Aug 6, 2015.

  1. Iwasang gumawa ng mga bagay na makapagpapagulo ng isipan 45 minutes bago matulog. Halimbawa, e-mail, texting o tsismisan.

    Itigil ang panonood ng TV, 35 minutes bago matulog.

    Magdasal habang nakahiga at hintayin mong antukin ka.

    Magpatugtog ng paborito mong love songs na malumanay ang beat.

    Mag-inhale at exhale ng 10 minuto.

    Mag-shöwër gamit ang maligamgam na tubig.

    Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
    Itigil ang pag-iisip tungkol sa mga problema, sa halip, isa-isahin ang mga lugar na gusto mong pasyalan kapag may pagkakataon.

    Gawing sleep friendly ang iyong bedroom: Bagong palit lagi ang mga punda, bedsheet, kumot. Kumportable ang kama—malambot pero firm ang foam. Yun bang hindi ka lumulubog sa sobrang lambot. Hindi makalat ang paligid.

    Kung may extra budget, bumili ng diffuser kung saan inilalagay ang medical grade essential oil upang kumalat ang mabangong amoy. Ang paglanghap ng mabangong amoy kagaya ng lavender, petit grain, geranium, chamomile, sandalwood at rose ay nakakapagpa-relax ng isipan.

    Mag-exercise ng 45 minutes tuwing umaga o 3 oras bago matulog.
     
    hnaej_29 likes this.