What's new

Closed 12 sintomas ng sakit sa bato

Status
Not open for further replies.

aregee

Honorary Poster
Joined
Jun 29, 2015
Posts
234
Reaction
67
Points
215
1)PAGBABAGO SA PAG-IHI --- Dumalas o dumami ba ang ihi lalo na sa gabi? Naging makulay na dilaw ba ito? Kung dumalang naman at kumonti ‘yun bang pakiramdam ay ihing-ihi ka na pero wala namang lumalabas.

2) RAMDAM ANG SAKIT NG PANTOG, LIKOD AT TAGILIRAN. Nananakit ang pantog kapag umiihi. Tagos din sa likuran hanggang sa singit ang nararamdamang sakit kung may kidney stone sa dinaraanan ng ihi.

3) PAGKAKAROON NG URINARY TRACT INFECTION (UTI). Kapag ang impeksiyong ito ay kumalat sa kidney ay nagiging sanhi ng lagnat at pananakit ng likod.

4) DUGO SA IHI. Sintomas ito ng diperensiya ng kidney kayat kailangang magpasuri kaagad.

5) PAGKAKAROON NG MANAS. Trabaho ng ating bato o kidney na linisin ang mga basura at sobrang tubig sa ating katawan, pero kapag hindi na ito gumagana, magkakaroon ng manas sa kamay, paa at mukha.

6) PANGHIHINA AT PANLALAMBOT. Hormone na erythropoietin ang naipo-produce ng ating bato na tumutulong sa red blood cells na magdala ng oxygen at kapag di na ito gumana, dahilan ito ng pagiging anemic dahil kulang ang nadadalang oxygen sa ating mga sellula at dahilan ng panghihina.

7) PAGKAHILO AT DI MAKAPAG-CONCENTRATE. Kapag anemic at may problema sa bato at kulang sa oxygen sa utak na dahilan ng pagkahilo at mahirap makapag-concentrate.

8) PALAGING GINIGINAW. Kahit na sa mainit na lugar ay giniginaw dahil anemic. Ang kidney infection ay sanhi ng pagkakaroon ng lagnat na dahilan para ginawin

9) MAY SKIN RASHES AT NANGANGATI. Sa pagkakaroon ng sakit sa bato ay naiipon ang mga dumi sa katawan na sanhi ng pangangati at skin rashes.

10) BAD BREATH AT MASAMA ANG PANLASA. Kapag may kidney failure tumataas ang lebel ng urea sa dugo o nagkakaroon ng uraemia.

11) PAGSUSUKA. Kapag naipon ang basura sa dugo dahil sa sakit sa bato, nagiging dahilan ng pagsusuka.

12) KINAKAPOS NG HININGA --- Dahil anemic ay kulang sa oxygen at kinakapos sa paghinga.
 
Dear aregee,

Since 2 years have passed since the last reply in this thread, I am locking it to prevent necroposting. Feel free to start a new thread or contact any forum staff if you want this to be reopened.

Thread closed.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top